Inanunsiyo ng manugang ni Bentong na si Arvin Vincent Anierdas sa kaniyang social media account na pumanaw na ang comedy actor kanina, Pebrero 9 ng umaga sa Fairview General Hospital.

Si Domingo Vusotros Britamante Jr. o mas kilala sa pangalang ‘Bentong’ ay unang nakilala bilang sidekick ng host actor na si Willie Revillames sa kaniyang mga programa noon sa iba’t ibang network.

Nagsimula ito bilang isang production assistant hanggang sa makilala ito at mabigyan ng break sa telebisyon bilang komedyante.

Matatandaang ilang beses na rin naiulat na labas pasok sa ospital ang aktor dahil sa sakit na diabetes.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ni Bentong hinggil sa pagkamatay nito at sa detalye ng burol at libing.