Sa panahon ngayon ay napakarami ng naglalabasan na mga kainan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Sino nga ba naman ang hindi matatakam sa mga pagkaing pinoy. Mga pagkaing swak sa panlasa ng masa.

Sa iba’t ibang lalawigan ng Pilipinas ay may iba’t ibang specialty ang bawat lungsod. Gaya na lamang sa parteng Timog ng Luzon , sa Batangas. Isa sa pinakakilalang pagkain sa Batangas ay ang Lomi.

Ang Lomi ay isang uri ng pansit na mayroong malapot na sabaw at may iba’t ibang klase ng toppings depende sa kung ano ang handog ng isang lomihan.

Sa Batangas ay mayroong isang sikat na Lomian na pagmamay ari ng isang Mechanical Engineer na si Engr. Ronaldo Gonzales. Ang Lomiang ito ay ang Hidden Resto. Ito ay matatagpuan sa Barangay Ilat South San Pascual Batangas at ayon sa iba naming napakanayam na netizens ay mahirap hanapin ang kainang ito , (dahil nga ito ay Hidden) na nagbibigay di umano sa kanila ng “thrill” o tuwa dahil nagkakaroon sila ng adventure sa paghahanap dito , at kapag narating na nila ang lugar ay may katagang “Now You’ve Found It” at swak siguradong sulit ang adventure at pagod dahil sa masasarap nitong Menus na handog.

Ang masterchef ng Hidden Resto ay si Mr. Joaqin “Joey” Gonzales na syang di umanoy nagbibigay ng masarap na sangkap ng Lomi para sa mga customers.

 

Isa pa sa masarap nilang menu ay ang Halo-Halo . Maraming netizens ang nagbibigay ng magandang feedback sa kanilang Facebook Page na sobrang kakaiba ito sa lahat ng halo halo na kanilang natikman.

Kung paligid naman ang paguusapan ay siguradong magkakaroon kayo ng payapa at malinis na kapiligiran at para sa mga bloggers/vloggers tiyak na magugustuhan nyo ang mala Instagrammable backgrounds ng nasabing kainan.

Ang Hidden Restaurant ay nag ooperate ng Martes hanggang Linggo mula 9:00am – 8:00 PM. Sarado sila ng Lunes.

Marami din silang Menu katulad ng Sinampigang Pansit, Tapsilog at marami pang iba. Kaya’t sa mga ka food buddy mo dyan ano pa ang hinihintay nyo , magkaroon ng adventure sa paghahanap sa Hidden Restaurant at mabusog sa hayin nila para sa inyo.

Maari nyo ring bisitahin ang kanilang Facebook page kung nais mong mag inquire at magpareserve Hidden Resto Page.