Napakaganda nga ng ideyang nagmula sa Barangay Tartaria Silang Cavite sapagkat hindi na magkakalat ang plastik sa lugar dahil umano mahihikayat ang mga mamamayan ng Cavite na ipunin ang mga plastik at ipagpalit ito sa bigas.

Ayon kay Karlo Manalo Alvarez “Last October 2018 po namin sinabi sa mga kabarangay po namin, tapos po nagstart na po kami nung Monday” at dagdag nya pa rito ay ang purpose nito ay ang mabawasan ang kalat sa barangay. “Ang purpose po nito ay para hindi nagkalat ang basura lalo na po ang plastic. Alam naman po natin na ito ay bumabara sa daanan ng tubig”

Maraming mga netizen ang natuwa sa post na ito na sa kasalukuyan ay mayroon ng 5.4 reactions, 1.1 comments at 26k cshares.

Ayon sa komento ni Edeliza Pera: layunin po nito ang kalinisan sa ating kapaligiran kaya po san mga kabarangay po namin makilahok po tayo sa paglilinis ng ating paligid turuan po natin ang ating mga anak na mag tapon sa tamang tapunan sana wala na tayong makikitang mga plastic na pakalat kalat sa bakuran natin kaya TAPAT MO LINIS MO NA TAYO”””’ MARAMING SALAMAT KAPITAN

Marami ang talagang natuwa at nagbigay ng kanilang mga positibong mga komento sa proyekto at layunin ng barangay kaya naman makikita sa comment section ng post na bigay todo ang suporta ng mga netizens dito.