Marami ang natuwa sa muling panunumbalik ng kalinisan sa Manila Bay. Bagama’t hindi pa masasabing lubos nang narehabilitate ang lugar, ito ay ganap na kaaya-aya kumpara sa dati nitong kalagayan nitong mga nakalipas na taon. Hindi pa man lubos ang pagiging malinis nito, heto na naman at may isang ginang na nabidyuhang dumudumi sa mismong tubig ng Manila Bay.

Asan Ang Disiplina Mo?

Sa isang iglap, ang tila maganda nating pangarap na muling manumbalik ang ganda at kalinisan ng Manila Bay ay nawalang parang bula matapos nating mapanuod ang nakapanlulumong video ng isang babae na makikitang dumudumi sa mismong Manila Bay, ilang metro ang layo sa mga taong nagsasayang lumalangoy at nagtatampisaw sa tubig nito.

Makikita sa video na ibinahagi ni Jo Soliman sa Facebook, na sa mismong tubig dumumi ang nasabing babae, na tila hindi alintana ang mga taong nanunuod sa kanya. Pagkatapos nuon ay itinaboy nya pa ang dumi upang kumalat sa tubig. Ang kanyang inasal ay tila kaiba kung kaya’t marami ang naghihinala na ang babae ay maaaring may kapansanan sa pag-iisip.

Lagay Ng Tubig Sa Manila Bay

Sa kabila ng kaliwa’t kanang clean-up na ginagawa sa Manila Bay, masasabi nating ang tubig nito ay hindi pa ligtas sa mga tao. Dahil sa ilang dekada pagpapabaya sa lugar, ang lagay ng tubig ay masasabing delikado para sa mga lumalangoy dito. Maaari silang magkaroon ng sakit sa balat o impeksyon sanhi ng maruming tubig.

Kahit na ilang beses nating linisin ang lugar, kung may mga taong walang respeto sa sarili, at sa kalikasan, ay hindi tayo magtatagumpay na malinis ang Manila Bay. Bagama’t ginagawa ng gobyerno ang kanilang tungkulin upang mapanatiling disiplinado ang mga tao sa pagtatapon sa Manila Bay, kinakailangan magmula ang pagbabago sa mga tao mismo.

Respeto

Ang pagbabago ng Manila Bay ay hindi magagawa ng gobyerno lamang. Kailangan ang tulong ng bawat isa. Kailangan nating kumilos ng tama, hindi dahil sa takot na tayo ay mahuli ng pulis, kundi dahil gusto nating makita ang tunay na kagandahan ng Manila Bay.

Ang respeto ay nagmumula sa sarili. Dapat ay matuto tayong respetuhin ang ating mga sarili, nang sa gayon ay magkaroon tayo ng respeto sa kapwa, at hindi magtatagal ay magkakaroon na rin tayo ng respeto sa mga bagay sa paligid, tulad ng kalikasan.

Panoorin ang dalawang video:

 

Source: Updated Tayo